WEST PH SEA | Draft framework ng magiging joint exploration ng PH at China, hawak na ni Sec. Cayetano

Manila, Philippines – Hawak na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang draft framework ng magiging joint exploration ng Pilipinas ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cayetano, minamadali na nila ang pagbuo ng framework o lalamanin ng kasunduan ng Pilipinas at China sa para sa joint oil exploration sa West Philippine Sea.

Aniya, ilan sa laman ng draft ng binubuong kasuduan ay dapat sabay ang Pilipinas at China sa gagawing joint exploration.


Kailangan rin aniyang ibahagi ng buo-buong ng Pilipinas at China ang lahat ng data at impormason na makukuha rito.

Paliwanag ni Cayetano, ang aktwal na joint exploration ay gagawin ng mga pribadong kumpaniya at papasok lang ang gobyerno sa pagbuo muna ng framework at kasunduan.

Aniya, kinakausap na rin nila ang mga Filipino companies na mayroon ng service contract sa pagdarausan ng joint exploration ng Pilipinas at China.

Kasabay nito, tiniyak ni Cayetano na sang-ayon sa saligang batas ng Pilipinas ang anumang mabubuong kasunduan sa pagitan ng China.

Facebook Comments