Ngayon ang ikalimang taon ang arbitral ruling na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) at nagbabasura sa pag-aangkin ng China sa kabuuan nito.
Kaugnay nito ay nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa mamamayan na magkaisa para patuloy na ipaglaban ang ating karapatan sa teritoryo sa WPS.
Diin ni Pangilinan, makakatulong ang WPS sa pagbibigay ng solusyon sa ating problema sa gutom, kahirapan at mataas na presyo ng kuryente.
Paliwanag ni Pangilinan, mapagkukunan ang WPS ng maraming marine resources, tulad ng langis at gas reserves para matugunan ang ating pangangailangan sa enerhiya at maiwasan na ang mga brownout.
Giit pa ni Pangilinan, mayaman din sa mga isda at iba pang pagkain ang WPS na siyang nagbibigay ng kita o kabuhayan sa mga Pilipinong mangingisda.