
Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling committed sila sa kanilang tungkuling depensahan ang teritoryo ng bansa.
Ito ay kasabay ng malapit na relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay AFP Spokesman, Colonel Edgard Arevalo, nananatiling ‘apolitical’ ang AFP at hindi ito nanghihimasok sa mga usaping may kaugnayan sa foreign relations at foreign policy.
Una nang itinanggi ng AFP ang alegasyon ni Magdalo Party-List Representative Gary Alejano na ipinatigil umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maritime at aerial patrols sa West Philippine Sea.
Facebook Comments









