Manila, Philippines – Nababahala si dating National Security Adviser at Parañaque Congressman Roilo Golez sa militirasasyon ng China sa West Philippine Sea dahil naglagay na ng mga communication radar, at jammers na posibleng makaapekto sa seguridad ng bansa.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Golez ang deployment ng missiles at strategic bomber ng China sa West Philippine Sea ay nakaalarma na aniya dahil malapit ito sa Pilipinas.
Paliwanag ni Diño na sa kabila ng ginagawa ng China ay nanahimik ang gobyerno at walang ginagawang hakbang upang magsagawa ng diplomatic protest upang ipakita sa gobyerno ng China na mariing tinututulan ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang hakbang.
Giit ng dating National Security Adviser na hindi dapat ipagwalang bahala ang naturang hakbang ng China dahil nakasalalay dito ang seguridad at isang seryosong banta ito sa Pilipinas na dapat bigyang katugunan ng Duterte Administration.