WEST PHILIPPINE SEA | Desisyon ng arbitration court sa WPS issue, panghahawakan ng pamahalaan

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi na mababawi ng sinoman ang desisyon ng arbitral court na kumakatig sa Pilipinas sa issue ng territorial dispute sa west Philippine Sea.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit anong mangyari ay hindi na mababawi o makukuha ng sinoman ang naging desisyon ng arbitral court pero ang problema aniya ay sino naman ang magpapatupad nito.

Sinabi ni Panelo, hindi naman kayang ipatupad ng United Nations ang desisyon ng Arbitral Court at maging ang Estados Unidos ay hindi rin kayang ipatupad ito.


Sinabi ni Panelo na ang desisyon ng arbitration court ay walang saysay dahil walang bansa o sinoman sa mundo na makapagpapatupad nito laban sa China.
Pero sa pananaw aniya ni Pangulong Duterte ay malayo ang mararating ng pakikipagusap sa China sa issue ng territorial dispute.

Sinabi din naman ni Panelo na maaari ding bitiwan ng China ang kanilang claim sa mga disputed islands sa West Philippine Sea kung magkakaisa ang mga bansa na ipressure ang China at makikiisa din naman aniya dito ang Pilipinas.

Binigyang diin ni Panelo na hindi maaaring magkaroon ng Armed Conflict sa dispuited areas dahil ang Pilipinas ang magdudusa dahil sa proximity o lapit nito sa mga pinagaagawang isla.

Facebook Comments