
Ipinasasama ni Senator Erwin Tulfo sa mga aralin ng mga estudyante ang West Philippine Sea Education.
Ito ay matapos ang water cannon attack ng China Coast Guard (CCG) at maritime militia vessels sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Escoda Shoal.
Iginiit ni Tulfo na kailangang marunong tayong magtanggol sa sarili natin pagdating sa West Philippine Sea (WPS) at isang paraan ay ang pagkakaroon ng tamang impormasyon ng mga Pilipino.
Sa ilalim ng isinusulong na Senate Bill 1625 o ang “West Philippine Sea Education Act” ni Sen. Erwin, magiging opisyal na bahagi ng curricula ng parehong basic at higher education ang isang komprehensibong WPS Education and Awareness program.
Aatasan naman ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na makipagtulungan sa ilang mga ahensya na bumuo ng mga standardized at updated na materyales sa pagkatuto tungkol sa WPS gayundin ang magsagawa ng mga capacity-building program para sa mga guro.









