Manila, Philippines – “Fake news.”
Ito ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasunod ng naging ulat ng kongresista na ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Aniya, mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang nagsabi na patuloy at regular ang ginagawa nilang maritime at aerial patrol sa lugar.
Hindi rin aniya totoo na may naagaw na teritoryo ng Pilipinas ang China.
Hinala ni Cayetano, nagpapalakas lang sa taumbayan si Alejano dahil napapaulat na tatakbo ang kongresista sa susunod na halalan bilang senador.
Sa huli, tiniyak ni Cayetano na ginagawa ng gobyerno ang lahat para masigurong malayang nakakapangisda sa bahagi ng West Philippine Sea ang mga Pilipino.
Facebook Comments