Manila, Philippines – Bukas ang Pilipinas at China sa 60-40 percent na hatian sa pinaplanong oil at gas exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano, sa Pilipinas mapupunta ang 60 porsyento sa hatian dahil hindi sila papayag na madehado ang bansa.
Gayunman sabi ni Cayetano na patuloy pa ring binubuo ang framework agreement para sa posibleng joint exploration.
Maghaharap aniya para rito ang mga kinatawan mula sa Department of Energy, DFA, mga eksperto sa international law at mga opisyal mula sa China.
Dati nang sinabi ng Malacañang na isa sa mga posibleng pagdausan ng pagsasaliksik ay sa bahagi ng reed o recto bank na nakapaloob sa 200 nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ ) ng Pilipinas.
Facebook Comments