Magpadala man ang China ng maraming COVID-19 vaccines sa Pilipinas, nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na walang siyang isusukong claims sa West Philippines Sea.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa harap ng mga kritisismo kasunod ng kanyang pahayag na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China.
Sa kanyang public address, muling iginiit ni Pangulong Duterte na walang masama kung magpasalamat siya sa China.
Sinabi rin ng Pangulo na walang isasantabi ang pamahalaan na anumang claims sa West Philippines Sea dahil lamang nakatanggap ang Pilipinas ng vaccine supply mula sa China.
Nakiusap siya kay Chinese President Xi Jinping para sa COVID-19 vaccines pero hindi napag-usapan ang West Philippines Sea.
Wala rin aniyang binanggit sa kanya si President Xi na kukunin nila ang West Philippines Sea kapalit ng COVID-19 vaccines.