WEST PHILIPPINE SEA | Paglaban ng Pilipinas sa soberenya nito sa WPS, mahalaga para sa nakararaming Pilipino – SWS survey

Manila, Philippines – Naniniwala ang maraming Pilipino na napakamahalagang mabawi at makontrol ang mga islang inaangkin nito sa West Philippine Sea (WPS).

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 87% ng mga respondents ang nagsabing importanteng maipaglaban ng pilipinas ang soberenya nito sa pinagtatalunang teritoryo.

69% ng mga Pinoy ang nagsabing takot ang China na humarap sa anumang korte.


Mayroon namang 65% ng respondents na batid ang nangyaring pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga nalambat na isda ng mga Pilipino.

Bukod dito, 43% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi maituturing na pagtataksil ang pagtanggi ng gobyerno na iprotesta ang militarisasyon ng China sa WPS, 29% ang nagsabing pagtataksil ito habang 28% ang undecided.

Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments