Manila, Philippines – Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananahimik ng kanyang administrasyon sa patuloy na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Sa kanyang talumpati sa 120th Founding Anniversary ng Philippine Navy, iginiit ng Pangulo na nakahanda siyang sagutin ang lahat ng mga pananagutan sa kanyang mga desisyon kaugnay sa usapin sa mga pinag-aagawang isla.
Aniya, hindi kakayanin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumasok laban sa giyera sa China.
Mas magiging madugo aniya kung magiging padalos-dalos ang kanyang desisyon bilang commander-in-chief.
Facebook Comments