Manila, Philippines – Nilulunok na lamang ng Pangulo Duterte ang batikos sa kanya hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
Kasunod ito ng tila pananahimik ng pangulo sa magkakasunod na aktibidad ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa interview ng RMN DZXL Manila sa national security expert na si Prof Rommel Banlaoi, sinabi niyang tumutupad lamang ang pangulong duterte sa kanilang gentleman’s agreement sa pagitan ng China.
Paliwanag pa ni Prof. Banlaoi, ayaw ng maulit ng pangulo ang nangyari nuong nakaraang administrasyon na nagkaroon ng pangit na imahe ang Pilipinas sa China.
Aniya ang pakikipagkaibigan ng Pangulo sa China ay mayroon pa ring magandang dulot sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Banlaoi na kailangan pa rin gumawa ng aksyon Dept. of Foreign Affairs sa ilang napaulat na panghaharas umano sa mga kababayan natin mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Zambales.