WEST PHILIPPINE SEA | Pasimpleng pananakop ng China sa Pilipinas, paiimbestigahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinasisiyasat ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang paunti-unting pananakop na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Sa inihaing resolusyon, nais matukoy ni Erice kung gaano na kalawak ang militarisasyon ng China pati sa mga islang sakop ng teritoryo ng bansa.

Dapat din aniyang alamin kung gaano kabigat ang banta at epekto nito sa seguridad ng bansa pati na sa kalakalakan at ekonomiya.


Babala ng mambabatas, hindi dapat nagpapaniwala at basta tanggap nang tanggap ang bansa sa mga pangakong tulong ng China.

Iminungkahi pa ng kongresista na isabay na sa kanilang imbestigasyon ang pagsuri sa mga pautang ng China sa Pilipinas dahil posibleng debt trap ito bunsod ng mataas na interes.

Facebook Comments