WEST PHILIPPINE SEA | Pilipinas at China, nagkasundong aayusin ang gusot sa agawan ng teritoryo

Manila, Philippines – Nagkasundo ang Pilipinas at China na maayos nilang paplantsahin ang gusot hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos ang pulong sa pagitan nila Director General Yi Xianliang, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Undersecretary Enrique Manalo.

Sa pahayag ng China’s Department of Boundary and Ocean Affairs, sinabi nitong nagkasundo rin ang dalawang bansa na panatilihin at protektahan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naghain na ng protesta ang Pilipinas sa China hinggil sa ginagawa nilang militarisasyon sa West Philippine Sea.

Facebook Comments