Manila, Philippines – Hinikayat ng mga mababatas ang Administrasyong Duterte na humingi na ng tulong sa mga kaalyadong bansa para pigilan ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay House Committee On National Defense And Security Chairman Ruffy Biazon, makakaasa ang pilipinas ng tulong sa Amerika dahil sa umiiral na mutual defense treaty, visiting forces agreement at enhanced defense cooperation agreement.
Binigyan diin ni Biazon na bagamat nakikipag-kaibigan ang Duterte administration sa China, mahalaga pa rin na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas
Ganito rin ang pananaw ni Senate Committee on National Defense And Security Chairman Gringo Honasan kung saan sinabi niya na maaring humingi ang Pilipinas ng tulong sa mga bansa na kasapi din ng asean lalo nat apektado din ang mga ito kapag nalimitahan na ang galaw ng mga gamit-pandigma ng mga bansa sa rehiyon.
Una nang pinagbibitiw ni Senator Antonio Trillanes si National Security Adviser Hermogenes Esperon dahil sa kawalan niya ng inisyatibo para alamin ang mga aktibidad o ang patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine sea.