Manila, Philippines – Bukod sa pagdulog sa international tribunal, may nakikita pang ibang lugar si Acting Chief Justice Antonio Carpio para igiit sa China ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at kilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA).
Ayon kay Carpio, ito ay ang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.
Ginawa ni Carpio ang pahayag bilang reaksyon pa rin sa pagnanakaw ng Chinese Coast Guard sa huling isda ng mga Pilipinong naglayag sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Carpio, dahil ang Vietnam na mayroon ding karapatang mangisda sa Scarborough Shoal ay myembro rin ng ASEAN, maaring gamitin ang nasabing samahan ng mga bansa para itulak ang China na tumalima sa international law.
Dagdag pa ni Carpio maari ding dumulog taun-taon ang Pilipinas sa United General Assembly dahil kumpyansa siyang makakakuha ng suporta ang Pilipinas mula sa UN.
Isinusulong na sa ASEAN ang negosasyon para sa Code of Conduct on South China Sea kasama ang China.