Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang na naghain na ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas hinggil sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, laman ng reklamo na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpalag ng bansa sa missiles installation ng China sa Spratly.
Aniya, kasama rin dito ang ginawang pagpapalipad ng China ng kanilang bomber sa ibabaw ng mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sabi pa ni Roque, na inireklamo rin ng bansa ang ginawang harassment ng Chinese Forces sa mga sundalong Pinoy malapit sa Ayungin Shoal noong May 11.
Facebook Comments