WEST PHILIPPINE SEA | PRRD – inilagay na naman sa alanganin ang bansa – ayon sa isang maritime expert

Manila, Philippines – Inilagay na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alanganin ang bansa kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.

Reaksyon ito ni Maritime Expert at UP Institute for Maritime Affairs and Law of The Sea Director Jay Batongbacal.

Ito ay makaraang sabihin ng Pangulo na pag-aari at kontrolado na ng china ang ilang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.


Aniya, ang ginawang pag-amin ni Pangulong Duterte ay pagkilala rin sa ginagawang pag-okupa ng China sa mga teritoryo.

Posible rin daw kasi itong magamit laban sa Pilipinas kung saan pwedeng sabihin ng China na tinatalikdan na ng bansa ang karapatan nito sa West Philippine Sea sa kabila ng naging ruling ng permanent court of arbitration noong Hulyo 2016.

Samantala, iginiit naman ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na walang isinusuko at walang isusukong teritoryo ang Pilipinas.

Aniya, nananatili ang paninindigan ng pamahalaan sa karapatan ng bansa sa naturang teritoryo at pinanghahawakan pa rin nito ang naging desisyon ng arbitral tribunal.

Facebook Comments