Manila, Philippines – Wala nang nangyayaring gulo o tensyon ngayon sa West Philippine Sea
Ito ang ipinagmalaki ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang halos dalawang taong nangyayaring tensyon noon sa pagitan ng mga Pilipinong sundalo mangingisda at Chinese Coast guard.
Aniya sa ngayon kahit sino ay maaring maglayag at mangisda sa West Philippine Sea nang walang mangyayaring tensyon.
May mga kasunduan na rin aniya sa pagitan ng China at Pilipinas na hindi na muna magtatayo o gagawa ng bagong gusali sa mga islang pinagaagawan sa West Philippine Sea.
Hindi rin aniya nakakaranas ng panggugulo ng mga Chinese ang mga sundalong nagre-repair o nagaayos ngayon ng beaching ramp sa Pagasa sa West Philippine Sea.
Isolated incident lamang ayon sa kalihim ang nangyari kamakailan na panggugulo ng Chinese coastguard sa Philippine Navy boat habang nagre-resupply ng pangangailan ng mga sundalo sa Ayungin shoal.