WEST PHILIPPINES SEA | Estados Unidos, patuloy na kokomprontahin ang China

Patuloy na kokomprontahin ng Estados Unidos ang China dahil sa ginagawa nitong militarisasyon sa mga isla sa West Philippines Sea.

Ayon kay U.S. Defense Secretary Jim Mattis, hindi tinutupad ng Beijing sa pangako nitong hindi maglalagay ng mga armas sa Spratly Islands.

Sabi pa ni Mattis, mananatiling maglalayag ang mga barko ng Amerika sa pinatatalunang karagatan dahil tila isang bansa lamang ang nangangamba sa kanilang routine activities sa lugar.


Makikipagtulungan din sila sa iba pang Pacific nations.

Nabatid na dalawang U.S warships ang naglayag malapit sa Paracel Islands na inangkin ng China bilang bahagi ng freedom of navigation operations na nagresulta sa pagprotesta ng China.

Facebook Comments