Westbrook, George, Donovan pinagmulta ng tig $15,000 o P750K ng NBA

Sports – Pinatawan ng tig $15,000 o P750,000 sina reigning MVP Russel Westbrook, Paul George at head coach Billy Donovan ng National Basketball Association dahil sa pagbatikos sa mga game official matapos matalo ang Oklahoma City Thunder, 103-99 kontra Portland Trail Blazers.

Minura kasi ni Westbrook ang officiating sa kanilang laro kaya siya pinagmulta. Sinigunduhan naman ni George ang pahayag ni Westbrook kaya pati ito ay naparusahan.

Maalalang na-eject sa laro si Carmelo Anthony ng Thunder matapos ang flagrant foul 2 niya laban kay Jusuf Nurkic. Dito na nagsimula ang mga reklamo ng Oklahoma sa officiating ng laro.


Facebook Comments