Western Command Commander, itinalagang bagong pinuno ng Philippine Airforce

Manila, Philippines – Nagtalaga na ang Malacañang ng ika- 35 pinuno ng Philippine Airforce.

Ito ay sa katauhan ni Lieutenant General Galileo Gerard Kintanar Jr. dahil sa inaasahang pagreretiro sa serbisyo ni Lt. General Edgar Restor Fallorina.

Inilarawan naman ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año si Kintanar bilang isang silent worker, magaling, strategic thinker at bihasa sa pagiging piloto.


Naniniwala rin si General Año na maipagpapatuloy ni Kintanar ang mga magagandang programanng nasimulan ni Fallorina sa Philipine Airforce.

Si Kintanar ay umupo bilang WESCOM Commander nitong nakalipas lamang na buwan ng Agosto, pero bago ito naging Chief of Air staff ng Phillippine Air force na miyembro ng Philipine Military Academy class 1985.

Isasagawa ang turn over ceremony bukas sa Clark Airbase Pampanga.

Facebook Comments