Lubhang naapektuhan ng Bagyong Emong ang Western Pangasinan, kung saan nagtumbahan ang mga punongkahoy at nabuwal ang mga poste ng kuryente, dahilan upang mawalan ng suplay ng kuryente at signal sa maraming lugar.
Ayon sa mga ulat, maraming kalsada patungong kanlurang bahagi ng lalawigan ang hindi madaanan dahil sa pagbaha at mga nahulog na debris. Bilang tugon, nag-alok ng libreng sakay ang Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan ang mga apektadong residente.
Tinatayang higit 1 milyon katao na ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers. Lubog sa baha ang malaking bahagi ng probinsya, partikular sa mga mabababang lugar.
Patuloy ang isinasagawang relief operations at clearing operations ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno at mga volunteer groups.
Sa ngayon, wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal sa probinsya ngunit hindi pa rin inaalis ang pag ulan nang malakas at pagtaas ng baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









