Westlife balik Pilipinas para sa two-night concert

Image via Facebook/Wilbros Live

Balik-bansa ang sikat na 90s’ boyband na Westlife para sa gaganaping two-night concert sa SMART Araneta Coliseum simula mamayang gabi.

Dumating ang banda lulan ng isang private jet kaninang madaling araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ibinahagi ng concert promoter na Wilbros Live sa kanilang official Facebook page ang litratong may caption na: “Welcome to the Philippines! #WestlifeManila2019”.

Pinost din ni Mark Feehily, isa sa miyembro ng Irish popband, ang parehong larawan sa kanyang Instagram account.

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga nanonood ng kanilang concert sa Macau at Taipei.

“Philippines WE ARE HERE! And will see you on stage”, pahayag ni Feehily.

Ilan sa mga kakantahin ng Westlife ay “My Love”, “Swear It Again”, “If I Let You Go”, “Flying Without Wings”, “I Have a Dream”, “Seasons in the Sun”, “Fool Again”, “Uptown Girl”, “Unbreakable”, “Queen of My Heart”, na minahal ng mga Pinoy fans.

Ang concert ay parte ng selebrasyon ng Westlife para sa ika-20 taon sa larangan ng musika.

Facebook Comments