Westlife, magbabalik Pilipinas!

Magbabalik Pilipinas ang 90’s boyband na Westlife para mag-concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 30.

Ito ay bilang parte ng kanilang ika-20 taon sa music industry.

Binubuo ng orihinal na miyembro ang boy band na sina Shane Filan, Kian Egan, Nicky Byrne at Marcus Feehily.


Inanunsiyo ng organizers na maari ng mabili ang tickets simula Marso 30.

Bukod sa Pilipinas ay may concert din ang grupo sa Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia at iba pa.

Naghiwalay ang grupo noong Oktubre 2011 ilang buwan matapos ang Manila concert nila.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Westlife noong 90s ang “If I Let You Go”, “Flying Without Wings”, “I Lay My Love On You”, “Foll Again”, “My Love” at iba pa.

Facebook Comments