WFH employees, nire-recruit para magtrabaho sa mga pekeng call center

Muli na namang nagbabala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa ating mga kababayan na mag-ingat sa mga illegal recruiters na nanghihimok sa mga Pinoy na magtrabaho sa ibayong dagat bilang mga call center agents pero kalaunan ay sa crypto scam hubs pinagtatrabaho.

Ayon kay Tansingco kasunod na rin ito ng pagkakaharang sa apat na Filipina workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos tangkaing sumakay sa Philippine Airlines patungong Cambodia.

Unang sinabi ng apat na kababaihan na nasa mid 20s at early 30s na sila ay magkakatrabaho sa local pharmaceutical company dito sa bansa at sila ay bibiyahe sa Cambodia para magbakasyon.


Pero nang sila ay sumalang sa secondary inspection, natuklasan ng mga Immigration officers ang ilang inconsistencies sa kanilang mga pahayag.

Kalaunan ay inamin ng mga biktima na sila ay magtatrabaho bilang home customer service representatives (CSR) sa online casino company.

Pinangakuan daw ang mga biktima ng kanilang mga local employer ng sahod na $900 o katumbas ng P45,000.

Agad namang ini-refer ang mga biktima sa Inter-Agency Council Againts Trafficking (IACAT) para matulungan sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga recruiters.

Facebook Comments