Congo, Central Africa – Kapag may kasalan, lahat ng bisita lalo na ang ikakasal ay dapat na masaya.
Pero alam niyo ba sa Congo, Central Africa, bawal ngumiti o magpakita ng anumang emosyon ng kilig at saya ang bride at groom sa gitna ng kanilang wedding ceremony.
Dahil kapag nahuling ngumiti, no choice sila kundi itigil ang kasal!
Katunayan, mula sa litrato sa imbitasyon, sa mismong kasal hanggang sa reception, hindi sila pwedeng ngumiti.
Base kasi sa tradisyunal nilang paniniwala, ang pag-ngiti raw sa bride o groom ay nangangahulugan na hindi sila seryoso sa isa’t isa.
Facebook Comments