Whistle-blowers Association, suportado ang paglaya ni dating Senador Jinggoy Estrada

56

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang presidente ng Whistleblowers Association na si Sandra Cam sa desisyon ng Sandigangbayan na makapag-piyansa para sa pansamantalang kalayaan si dating Senador Jinggoy Estrada sa kasong plunder.

Sinabi ni Cam na umaasa siya na sana ay sunod na ring makakalaya ang dating Senador na si Bong Revilla Jr. sa parehong issue na kinasasangkutan nilang dalawa.

Tiwala rin ang whistleblower president na sa ipinakitang ebidensiya ng mga senador sa Korte Suprema ay lalabas din ang katotohanang hindi talaga sangkot ang mga ito sa Priority Development Assistance Fund Scam (PDAF).
Samantala, dahil sa bigong maihabol kahapon ng kampo ni Senador Estrada ay ngayong araw ito maibibigay sa Sandigangbayan 5th division.

Facebook Comments