Manila, Philippines – Maaari ng mabili sa mga susunod na araw ang “corn rice” sa mga outlets ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakausap na niya ang grupo ng mga magsasaka sa Lanao del Sur para dagdagan ang kanilang mga tanim na white corn.
Kumpara sa palay, sinabi ni Piñol na mas angkop sa uri ng lupain sa Mindanao ang white corn na mas masustansya kumpara sa bigas.
Sabi pa ni Piñol, mas mataas ang panganib na magkaroon ng diabetes ang isang tao sa madalas na pagkain ng kanin kumpara sa mais.
Ang paraan ng pagluluto ng corn rice ay madali lang at kahalintulad rin ng pagsasaing ng bigas.
Facebook Comments