Aabot sa 55 milyong US COVID-19 vaccine ang ipapamahagi sa buong mundo ng White House na gagamitin para sa bakuna kontra COVID-19.
Sa nasabing mga bakuna, 75 porsyento ang mapupunta sa Latin America, Caribbean, Asia at Africa na dadaan sa COVAX international vaccine-sharing program.
Ang Asia ay makakatanggap ng 16 milyong shots ng bakuna na maipapamahagi rin sa Pilipinas na tumatanggap ng bakuna mula sa COVAX facility.
Sa natitirang 55 milyong doses naman, 41 milyong doses ang mapupunta sa COVAX facility na ipapamahagi sa Latin America at Caribbean na mayroong 14 milyong doses at 10 milyong doses sa Africa.
Layon ng programa na tuparin ang pangako ni US President Joe Biden na ipamahagi ang 80 milyong bakuna na gawa sa US patungo sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Una nang nakapamahagi ang Estados Unidos ng 25 milyong doses ng bakuna kung saan uunahin ang mga healthcare workers na siyang unang tumutugon sa pandemya.