White House, pinagtatakpan daw si Trump

Ibinunyag ng isang whistleblower na inudyukan ni US President Donald Trump ang Ukraine na manghimasok sa 2020 US Elections at sinubukan itong pagtakpan ng White House.

Ayon kay National Intelligence acting Director Joseph Maguire – lumabas sa report na gumagawa na ng hakbang si Trump para sa kanyag personal political interest, na banta sa kanilang national security.

Binanggit din sa report ng whistleblower na nangialam ang ilang senior White House officials para i-cover up ang pag-uusap sa telepono nina Trump at Ukrainian President Volodymir Zelenskiy.


Mariing itinanggi ni Trump ang mga alegasyon.

Facebook Comments