White Plains, isasara bukas para bigyang-daan ang mga programa kaugnay ng EDSA People Power

Pansamantalang isasara ang westbound lane portion ng EDSA sa bahagi ng White Plains sa Quezon City, alas-6:00 ng umaga bukas.

Ito ay para bigyang-daan ang mga aktibidad sa paggunita sa EDSA People Power Revolution.

Bukod dito, ipatutupad din ang two-way traffic sa eastbound side ng naturang kalsada.


Magpapakalat naman ang MMDA ng 226 na tauhan para magmando ng trapiko sa lugar.

Maglalagay din sila ng mga ambulansya sa EDSA Gate 4, EDSA White Plains at EDSA corner Ortigas Avenue para mabilis na makatugon sakaling magkaroon ng emergency.

Facebook Comments