Aminado ang World Health Organization (WHO) na mahirap kontrolin ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Socorro Escalante ng WHO, ito ay dahil sa human to human ang transmission nito.
Nilinaw din ni dr escalante na kapag may natuklasan ang bakuna kontra covid, hindi aniya lahat ng tao ay maaaring bakunahan.
Bunga nito, pinayuhan ng WHO ang gobyerno na gumawa na ng panuntunan sa pagbabakuna.
Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 1,245 healthcare workers sa bansa ang infected ng COVID-19, at 27 sa mga ito ang binawian ng buhay,
Samantala, binalaan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga ospital sa umiiral na Anti-Hospital Deposit law.
Kasunod ito report na isang senior citizen sa Nueva Ecija ang nasawi matapos tumanggi ang anim na ospital na tanggapin ito dahil sa walang pangdeposito ang kanyang pamilya.
Sa kabilang dako, nagbabala rin ang DOH na maaaring makasuhan ang mga lumalabag sa quarantine protocol kasunod ito ng pagtakas sa PGH referral facility ng isang COVID patient.