WHO at DOH, may panawagan sa mga deboto ng Itim na Nazareno

Sa harap ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nanawagan ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) sa mga deboto ng Itim na Nazareno na lumahok na lamang sa virtual events sa Kapistahan ng Black Nazarene.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakaka-alarma ngayon ang sitwasyon kaya mas mainam na manatili na muna sa mga tahanan.

Inihayag naman ni Health Sec. Francisco Duque III na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang posibleng pagkapuno na naman ng mga ospital ng COVID patients.


Iginiit ng DOH na posibleng Omicron variant ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una nang naglabas ng resolusyon ang National Task Force on COVID-19 hinggil sa pagsasara ng Quiapo Church mula January 7 hanggang 9.

Facebook Comments