Dumating na sa Pilipinas ang isang expert mula sa World Health Organization (WHO) headquarters sa Geneva, Switzerland para pag-aralan ang mga bagong variants ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pamahalaan ang nag-request para pumunta sa bansa ang nasabing expert, na bihasa sa bio-surveillance.
Magbibigay ng rekomendasyon ang nasabing eksperto para sa pagpapahusay ng genome sequencing sa bansa para malinawan ang lahat ukol sa mga bagong variants.
Inaasahang mananatili ang WHO expert sa bansa sa loob ng isang buwan.
Aalamin ng WHO group ang epekto ng bagong variants at kanilang transmission levels.
Hihingi rin ang pamahalaan ng technical assistance mula sa WHO para sa maayos na management ng mga variant situation sa bansa.