WHO, hinihingan ang China ng raw data kung saan nagmula ang COVID-19 pandemic

Hindi matuloy-tuloy ang mga isinasagawang imbestigasyon kung saan ang origin o pinanggalingan ng COVID-19 pandemic sa China dahil sa kawalan ng raw data.

Nabatid na pinaniniwalaang ang COVID-19 ay naipasa sa tao mula sa mga paniki.

Ang team ng WHO ay nilibot ang Wuhan City sa loob ng apat na linggo kasama ang ilang Chinese researchers.


Kaya pakiusap ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyusus sa China na maging transparent at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Aniya, milyu-milyong tao sa buong mundo ang nahihirapan dahil sa sakit.

Una nang itinanggi ng China na ang virus ay nakawala mula sa Wuhan laboratory.

Facebook Comments