WHO, hinimok ang pamahalaan na sundin ang vaccine prioritization para sa COVAX

Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang national at local government units (LGUs) na sundin ang sequence o pagkasunud-sunod ng prioritization sa COVID-19 vaccine rollout mula sa COVAX facility.

Ito ang sinabi ng WHO sa harap ng mga ulat na nagkakaroon ng ‘misallocation’ ng mga bakuna ng COVAX.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, dapat pa ring iprayoridad sa pagbabakuna ang A1 (health workers) at A2 (senior citizen).


Isa sa mga dahilan kung bakit kailangang maayos na naipapatupad ang prioritization para mabawasan ang transmission sa A1 group habang ang pinakamalaking bilang ng mga namatay at severe cases ay mula sa A2 group.

Facebook Comments