WHO, hinimok ang pamahalaan na sundin ang vaccine priority list

Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan na sundin ang prioritization sa kung sino ang dapat maunang tumanggap ng COVID-19 vaccines.

Ito ay para matiyak na mayroong maayos na paghahatid ng bakuna ng bansa mula sa COVAX Facility.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, dapat ipakita ng Pilipinas na kaya nilang isagawa ang COVID-19 vaccination program nang maayos.


Binigyang diin ng opisyal na dapat iprayoridad ng gobyerno ang healthcare workers at mga senior citizen at mayroong comorbidities.

Inaasahan na ang lahat ng lumagdang bansa sa ilalim ng COVAX Facility ay susunod sa mga criteria.

Ang layunin ng COVAX ay mabawasan ang impact ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksyon sa mga ‘at risk’ at ‘most vulnerable.’

Facebook Comments