WHO, ibinasura ang teoryang galing sa isang laboratoryo sa Wuhan City, China ang COVID-19

Ibinasura ng World Health Organization ang paniniwalang nagsimula sa isang laboratoryo sa Wuhan City, China ang COVID-19.

Ayon kay WHO Mission Head Peter Ben Embarek, posibleng unang tinamaan ng nasabing virus ang mga hayop bago ito kumalat sa mga tao.

Aniya, ang natural reservoir sa mga paniki ang karaniwang tinuturo ng mga nakalap nilang ebidensya.


kasabay nito, magsasagawa rin ng imbestigasyon ang WHO sa mga cold chain na ginamit sa trade and transport ng mga frozen food na posibleng nagdala ng COVID-19 sa Wuhan City.

Facebook Comments