WHO, idineklara na ang moneypox outbreak bilang public health emergency of international concern

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhamon Ghebreyesus, bigo ang emergency committee of experts na makabuo ng consensus kung kaya’y siya na ang nagdesisyong ideklara ang outbreak bilang public health emergency of international concern.

Pinagbatayan niya rito ang moderate risk ng monkeypox sa buong mundo at sa lahat ng mga rehiyon maliban sa European region na high risk na sa naturang sakit.


Sa ngayon, mahigit 15,800 indibidwal na ang apektado ng monkeypox sa 72 mga bansa, batay sa datos ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Hulyo 20.

Mayo nang makapagtala ng surge ng monkeypox sa labas ng West at Central African countries kung saan matagal nang endemic ang sakit.

Facebook Comments