Ipinahinto na ng World Health Organization (WHO) ang testing ng anti-malarial drug na Hydroxychloroquine para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ito’y matapos lumabas ang resulta mula sa ibang trials na wala itong bisa.
Ayon kay WHO expert Ana Maria Henao-Restrepo, tuluyan nang ititigil ang Solidarity Trial nito.
Pero sinabi naman ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na may mga senyales ng pag-asa sa paglaban sa COVID-19.
Ikinalugod nila ang ulat na ang inisyal na resulta ng clinical trial sa common steroid na tinatawag na “dexamethasone” ay kayang iligtas ang mga pasyenteng kritikal na ang kondisyon.
Mahalagang magtulungan ang mga bansa sa pagpapatupad ng prevention measures para malimitahan ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments