WHO, kinilala ang mga lumulutang na ebidensya hinggil sa airborne transmission ng COVID-19

Kinilala na ng World Health Organization (WHO) ang mga lumulutang na ebidensya na maaaring kumalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng hangin.

Ito ay kasunod ng panawagan ng grupo ng mga scientist sa WHO na baguhin ang patnubay nito kung paano naipapasa ang COVID-19 sa pagitan ng mga tao.

Ayon kay Maria Van Kerkhove, technical lead ng COVID-19 pandemic sa WHO, may posibilidad na ang airborne transmission at aerosol transmission ay isa sa modes of transmission ng COVID-19.


Pero sinabi ni Benedetta Allegranzi, WHO technical lead for infection prevention and control, bagama’t mayroong emerging evidence hinggil dito, hindi pa rin ito maituturing na ‘definitive.”

Gayumpaman, plano ng WHO na maglabas ng scientific brief hinggil sa ‘modes of transmission of the virus’ sa mga susunod na araw.

Facebook Comments