WHO, kinukumpirma pa ang ulat na ang panlalagkit ng mata at conjunctivitis ay kabilang sa mga sintomas ng XBB.1.1.6 Omicron Subvariant

Kinumpirma ng Department of Health o DOH na bini-verify pa ng World Health Organization (WHO) ang ulat na ang panlalagkit ng mata at conjunctivitis ay kabilang sa mga sintomas ng Omicron sublineage XBB.1.1.6 variant.

Ayon sa DOH, sa ngayon, sa kabuuan ang mga sintomas pa rin ng COVID-19 ay lagnat, pagkapagod, pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo at katawan, pagkawala ng pang-amoy at panlasa.

Patuloy pa anila ang mga pag-aaral ng mga eksperto hinggil sa iba pang posibleng bagong sintomas ng COVID-19.


Nanindigan naman ang DOH na nananatiling manageable ang kaso ng infection sa bansa.

Facebook Comments