WHO, kinumpirmang marami pa rin ang namamatay sa COVID-19

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na 1,700 kada linggo pa rin ang namamatay sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Kaugnay nito ay hinimok ng WHO ang mga nasa “at-risk population” na maging updated sa kanilang bakuna laban sa COVID.

Kinumpirma rin ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na bumaba na ang ‘vaccine coverage.’


Lumalabas aniya sa data na bumababa ang vaccine coverage sa hanay ng health workers at mga indibidwal na lampas sa edad 60 na itinuturing na “most at-risk groups.”

Naniniwala rin ang WHO na lampas pa sa pitong milyon ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID.

Hinikayat din ng WHO ang mga gobyerno na panatilihin ang virus surveillance at sequencing at tiyakin ang access sa abot-kaya at mapagkakatiwalaang mga bakuna.

Facebook Comments