
Tiwala ang World Health Organization (WHO) na kayang ma-control ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus.
Sa ‘Laging Handa’ briefing sa Malacañang, sinabi ni WHO Dr. Rabinda Abeysinghe, kailangan lamang aniya na maging rasyonal ang lahat at huwag mag-panic.
Importante aniya na makinig at sundin ang mga abisong inilalabas ng health department, ay mayroon na rin naman silang inilabas na mga guidelines para dito.
Kailangan i-maintain ang proper hygiene, pagpapanatili ng malinis na pangangatawan, palaging paghuhugas ng kamay.
Pag-practice sa cough etiquette o ‘yong pagtatakip ng bibig kapag umuubo, upang maiwasan ang pagkalad ng droplets na may dalang virus.
At pagsusuot ng face mask kung mayroong respiratory infection maging ang pagtitiyak na nalutong maigi ang mga kakaining karne.
Kung gagawin lamang aniya ang lahat ng ito, positibo ang WHO na matagumpay na mako-control ang 2019 novel coronavirus.









