Nakatakdang magdesisyon ang World Health Organization (WHO) sa mga susunod na linggo kung bibigyan nila o hindi ng emergency use approval ang COVID-19 candidate vaccines ng Pfizer, Moderna at AstraZeneca.
Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, inaasahang magkakaroon na sila ng pasya para sa potential vaccine ng Pfizer sa mga susunod na linggo.
Ire-review din nila ang mga bakuna ng Moderna at AstraZeneca.
Kapag inaprubahan ito ng WHO, maaaring ipadala ang bakuna sa mga bansang hindi pa nae-evaluate ng kanilang national medical regulators.
Nasa 10 kompanya ang naghayag ng interes o nagpasa ng request for emergency approval para sa candidate vaccines.
Ang bakuna ng Pfizer ay nakatanggap na ng emergency approval sa Britain at Canada, at posible sa Estados Unidos sa mga susunod na araw.