Muling tatanggap ang Pilipinas ng karagdagang 1,000 vials ng anti-drug na Remdesivir mula sa World Health Organization (WHO) bilang bahagi ng Solidarity clinical trial ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maliban sa Remdesivir, tatanggap din ang bansa ng Interferon.
Aniya, as of September 7, umabot na sa 1,009 COVID-19 patients na may moderate at severe symptoms ang sumali sa trials na galing sa 24 study sites o hospitals sa National Capital Region (NCR) , Baguio, Batangas, Cebu at Davao.
Kasabay nito, kinumpirma ni Vergeire na may plano ang WHO na dagdagan ang bakuna kontra COVID-19 na isasali sa clinical trial.
Facebook Comments