WHO, nababahala sa surge ng COVID-19 cases sa Pilipinas; malapit nang umabot sa ‘red line’

Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa surge ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sabi ni WHO Western Pacific Regional Director Takeshi Kasai, dapat iwasan ng Pilipinas na maabot ang “red line” – ang sitwasyon kung saan ang bilang ng kaso ay lagpas na sa kapasidad ng healthcare system.

Kapag lumagpas sa red line, mas mahihirapan ang mga healthcare workers.


Bukod dito, babagsak ang healthcare capacity ng bansa dahil mara maming tao ang hihingi ng tulong dahil sa maraming healthcare workers na ang tinamaan ng sakit.

Ang mga bansang nakakaranas ng infection spike ay bunga ng pagkalat ng variants, kawalan ng pagsunod sa health protocols, maluwag na mobility at kumpiyansa sa bakuna.

Dapat paigtingin ng gobyerno ang surveillance at early detection ng mga kaso at ipatupad ang targeted at localized response.

Hinikayat ng WHO ang publiko na sundin ang health protocols.

Facebook Comments