WHO, nagbabala laban sa mga inidibidwal na nagsasagawa ng mix & match ng COVID vaccines

Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga tao na iwasan ang pagsasagawa ng mixing at matching ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers.

Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, ang mga ganitong pagpapasya ay dapat ipaubaya sa mga public health authorities.

Magiging magulo ito kapag ang mismong ang mga tao ang magdedesisyon kung sila ay gustong kumuha ng ikalawa, ikatlo o hanggang ikaapat na dose.


Mahalagang hintayin ang pag-aaral ng mga public health agencies para malaman ang safety at immunogenicity ng paghahalo at pagtutugma ng iba’t ibang brand ng bakuna.

Bago ito, sinabi ng WHO Strategic Advisory Group of Experts on vaccines na ang Pfizer COVID-19 vaccines ay pwedeng gawing second doses sa mga naturukan ng unang dose ng AstraZeneca.

Ang Oxford University sa United Kingdom ay patuloy na pinag-aaralan ang paghalo ng AstraZenca at Pfizer, at ang Moderna at Novovax Vaccines.

Facebook Comments