Nagbabala ngayon ang European director ng World Health Organization na hindi matatapos ang krisis sa COVID-19 pandemic kung hindi mababakunahan ang halos 70-percent ng populasyon ng isang bansa.
Ito ay kasunod na rin ng mabagal na vaccine rollout ng mga bansa sa Europa.
Ayon kay WHO Regional Director for Europe Hans Kluge, hindi dapat maging kampante ang mga tao lalo na’t nananatiling banta ang nakamamatay na virus.
Nakikita rin ng opisyal ang pagdami ng kaso ng mga bagong variant ng COVID-19 kung saan 27 mula sa 53 bansa sa Europa ang timanaan na nito.
Giit ni Kluge, matatapos lang ang pandemya kung maabot ang 70 percent minimum coverage ng vaccination, pero sa ngayon ay nasa 26 percent pa lang ng populasyon sa Europa ang nakatanggap ng first dose.